Marquez pababagsakin ni Pacquiao sa 6th round

BAGUIO CITY ,Philippines --Inaasa­hang mapapabagsak ni Filipino boxing sensation Manny Pacquiao si Mexican Juan Manuel Marquez sa round 6.

Ito ang nakikita ni sparring partner lightweight Venezuelan boxer Jorge Linares kaugnay sa magi­ging resulta ng laban ni Pacquiao kay Marquez sa Nobyembre 12 sa Nevada, USA.

Mas mapapaaga naman ang paghalik sa lona ni Marquez, ayon kay conditioning coach Alex Ariza.

“It will be earlier than you would think,” wika ni Ariza sa kasagsagan ng pag-­ehersisyo ni Pacquiao kahapon ng umaga dito sa Teacher's Camp.

Nasa ikalawang linggo na si Pacquiao para sa kan­yang training at nasa ma­ganda na niyang kon­dis­yon para sa kanilang salpukan ni Marquez.

“He is more complete now. He has much more the speed, power and explosiveness,” sabi ni Ariza said. “Marquez may be a bit smarter and more precautious now. But at the end of the day that will not win you the fight.”

 Nakasabay ni Pacquiao sa pagtakbo sa Teacher's Camp sina Lina­res at Ariza.

Bago magpahinga no­ong Linggo, nagpapawis si Pacquiao sa Sta. Lucia Subdivision road.

Matapos naman ang tang­halian ay agad na nag­tungo si Pacquiao sa boxing ring sa isang hotel sa Naguilian Road para sa kanilang sparring ni Linares.

Halos gulpihin niya si Linares sa loob ng apat na rounds at tinuruan ang Venezuelan boxer ng tamang paggamit ng jab. At matapos ito ay inubos niya ang kanyang oras sa speed at endurance trai­ning katuwang si Ariza sa loob ng isang oras kasunod ang pagtuloy sa lobby para kumustahin ang kanyang mga fans.

Show comments