Linden bumilib sa inilatag na P7M prize sa LBC Tour
DUMAGUETE CITY, Philippines - Saludo si Hendrikus Vad der Linden ng Dutch sa malaking papremyong inilagay sa ginaganap na LBC Ronda Pilipinas.
Si Vad der Linden ang technical consultant at commissaire 2 at dating nagtrabaho rin bilang commissaire sa Tour de France.
Naglagay ng P7 milyon ang LBC bilang kabuuang premyo at ang mananalo sa individual at team competitions ay tatanggap ng tig-P1 milyon.,
“The prize money is great. In Europe, you don’t get $20,000 for a race. This is really good,” wika ni Vad der Linden.
Kung may puna naman siya, ito ay ang masamang daan na ginagamit sa ilang ruta ng karera na aniya ay hindi papasa kung may mga European riders na kalahok.
Nakauna ang 7-Eleven na binubuo nina Lloyd Lucien Reynante, Irish Valenzuela at Sherwin Carrera sa 12-yugtong, 20 araw na karera.
“The 7-Eleven guys, four of them, went in the lead pack and I think it’s a wrong strategy. They go at it and then slash-throat gesture, here you must play role and support each other,” paalala ng commissaire.
Kung tama ang kanyang tinuran na mahihirapan ang 7-Eleven na magkampeon ay malalaman matapos ang karera kung saan makikipagtagisan sila ng tibay ng binti para sa P1 milyon premyo sa individual bukod pa ang P1 milyon na ibibigay para sa team champion.
Pakakawalan ngayong araw ang Stage Two--ang Dumaguete patungong Silay City leg na isang 214 kms na karera, ikalawa sa pinakamahaba at mapaghamong lakbayin susunod sa 215 kms race na Iloilo-Aklan Stage Three sa Martes.
- Latest
- Trending