MANILA, Philippines - Nakabangon na mula sa ACL injury ang two-time Olympian na si Toni Rivero.
Tinamo ni Rivero ang injury noong naghahanda siya para sa 2010 Guangzhou Asian Games at nagtiis ng anim na buwan upang ma-rehabilitate ang kanyang kaliwang tuhod.
“Six month ang ginawa niyang therapy at last April ay nagsimula na siya ng biking at threadmill. Noong June ay nagsimula na siyang sumipa at ngayon ay kasama na siya sa training na parang hindi siya nagkaroon ng ACL,” wika ni Philippine coach Rocky Samson nang dumalo sa SCOOP sa Kamayan sa Padre Faura kahapon.
Ang 23-anyos na si Rivero ay gold medalist sa 2005 Manila at 2009 Laos SEA Games sa welterweight division.
Pero sa gaganaping aksyon sa Indonesia, si Rivero ay kakampanya sa mas mabigat na middleweight division.
Kasabay nito ay inihayag din ni Samson ang paglipat ng 30-kataong taekwondo team sa South Korea para sa dalawang linggong pagsasanay.
Maliban sa SEA Games ay naghahanda rin ang bansa sa Asian Olympic qualifying event na gagawin sa Bangkok, Thailand mula Nobyembre 4-6.