Pagpapasigla ng motocross sa bansa, mula sa pagtataguyod ng SEL-J Sports
MANILA, Philippines - Unti-unti nang ang prestihiyoso at sikat na motoracing sport na Motocross sa local sports scene mula na rin sa pagsusulong ng SEL-J Sports.
Personal na pinili ng pangulo at CEO ng SEL-J na si Jay Lacnit ang motocross bilang banner event ng SEL-J Sports dahil naniniwala at interesado siya sa nagagawa ng isport na ito sa katawan at pag-iisip ng siklista.
“May sense of achievement sa paglipad kasama ang mabigat na sasakyan, kung saan maaaring halikan ng drayber ang hangin at yakapin ang kalawakan. Wala nang hihigit pang adrenaline doon,” ani Lacnit.
Idinadaos ng SEL-J ang Enersel Forte World Motocross Series taun-taon na may ilang yugto sa iba’t ibang parte ng bansa.
Ngayong taon, dinala ang serye sa Iloilo City, Palawan, Lanao del Norte, Quirino Province at Cavite City.
Mapapanood ang mga karera sa Motocross TV sa Studio 23 tuwing Sabado ng umaga.
“Nang lumipat ito sa Studio 23, nakaakit ito ng mga bagong manonood. Ngayon ay halos 50-50 ang hatian ng mga manonood na lalaki at babae,” wika ni SEL-J Vice President Noel Fortin.
Nakatutok lamang sa motocross ang Motocross TV ngayon, ngunit ayon kay SEL-J Sports Tournament Director Jay Benedicto, plano nilang gumawa ng mga bagong features tulad ng rider profiles, riding tips, at iba pang bahagi ng programa na magkakaroon ng mas malaking impact sa lahat ng manonood.
“Malaking achievement ito lalo na at alas-otso ng umaga ang aming timeslot ng Sabado,” paliwanag ni Fortin.
Ang grupo ng SEL-J ay naglalayong kilalanin ng Philippine Sports Commission (PSC) bilang isang lehitimong National Sports Association (NSA).
- Latest
- Trending