^

PSN Palaro

Perpetual Altas umani ng respeto sa NCAA

-

MANILA, Philippines - Bagamat may ilang prob­l­ema at injuries na nakaharap papasok sa 87th season ng NCAA basketball tournament , nakakuha pa rin ng respeto mula sa kanilang mga kalaban ang Perpetual Altas.

Ang Perpetual Help ang unang koponang napatalsik para sa tiket sa Final Four mula sa kanilang 3-12 win-loss record.

Subalit ang kanilang li­mang kabiguan sa second round ay pawang 7 puntos la­mang ang agwat.

Maliban sa pagpapalit ng head coach, hindi rin nakapaglaro para sa Altas sina Paul Nulian at Marlon Gomez bunga ng eligibility issue.

Naglaro rin ang Las Pi­ñas-based team na may mga injury ang kanilang big men na sina Mark Sumera at George Allen.

Maliban sa kanilang 55-69 pagyukod sa San Beda sa pagbubukas ng second round noong Agosto 22, natalo lamang ang Perpetual sa Mapua ng 3 points, 62-65, sa Emilio Aguinaldo ng 6 points, 71-77, at sa San Se­bastian ng one point, 76-77.

"The school is behind our team, we're proud of them," ani league president at policy board chairman Anthony Tamayo ng Perpetual.

vuukle comment

ANG PERPETUAL HELP

ANTHONY TAMAYO

EMILIO AGUINALDO

FINAL FOUR

GEORGE ALLEN

LAS PI

MALIBAN

MARK SUMERA

MARLON GOMEZ

PAUL NULIAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with