MANILA, Philippines - Ang pagpapaganda sa kanyang footwork ang planong gagawin ni Fil-Am boxing champion Ana ‘The Hurricane’ Julaton para sa kanyang laban kay Mexican Jessica Villafranca sa Setyembre 30 sa Mexico City.
Nakatakdang magtungo si Julaton sa Mexico ngayong linggo para sa kanyang pagdedepensang ng korona.
"I just want to go out there and do my best ...I'll go out there and do my best for everyone," wika ni Julaton sa isang panayam kahapon.
Idedepensa ni Julaton ang kanyang hawak na World Boxing Organization (WBO) female super bantamweight crown laban kay Villafranca.
Dala ng 31-anyos na si Julaton ang 9-2-1 win-loss-draw ring record kasama ang 1 KO kumpara sa 12-0-3 (6 KOs) slate ng 18-anyos na si Villafranca.
Kasalukuyang nasa isang three-fight winning streak si Julaton matapos matalo kay American Lisa ‘Bad News’ Brown via unanimous decision noong Marso 27, 2010 sa Ontario, Canada.
“I want to show the Boxing World that I will fight anyone, anywhere, at any time and will do my utmost to represent the proud Filipino nation in the great traditions that they have come to expect," ani Julaton, ang pamilya ay tubong Pozzorubio, Pangasinan.