Semis asam ng Starmen

MANILA, Philippines - Tatangkain ng Star Group of Publications na ma­sungkit ang unang out­right semis berth sa gaga­wing pakikipagtuos sa up­set-conscious Secret Spices sa MBL Corporate Cup basketball championship sa Aquinas gym sa San Juan.

Nakatakda ang laro sa alas- 6:30 ng gabi.

Sa pamamahala nina coach Alfred Bartolome at manager Mike Maneze, ang Star Group ay tangka ang ikalimang dikit na pana­lo matapos mabigo sa una nitong laro sa kamay ng Parola Maritime sa eight-team tournament na itinataguyod ng Cebuana Lhuillier, Ironcon Builders, Dickies Underwear, PRC Couriers at WG Diners.

Ang Star ay kasaluku­yang tabla sa Parola para sa unang pwesto sa bisa ng 4-1 win-loss slate.

Show comments