Mas mapanganib ang FEU ngayon - Black
MANILA, Philippines - Kung may isang bagay na dapat gawin ng Ateneo sa hangaring mapanalunan ang ikaapat na sunod na UAAP title, ito ay ang higitan ang ipinakikitang pagiging agresibo ng FEU.
Naging bisita si Eagles coach Norman Black sa PSA Forum kahapon at kanyang inamin na ibang FEU ang kanyang makakaharap sa taong ito.
Ang 74th UAAP men’s basketball finals ay rematch ng nakaraang taon na kung saan nagdomina ang Ateneo para sa ikatlong sunod na kampeonato.
“The FEU team this year is more of a guard oriented. Last year, they had (Reil) Cervantes where they can go at low post. This yera they are more focus on RR (Garcia), (Terrence) Romeo and (Cris) Tolomia as well as on their pick and pop offense,” wika ni Black.
Tangan ang 13-1 karta matapos ang double round elimination at agad na umabante sa Finals sa 69-66 panalo sa UST, kinilala rin ni Black ang kakaibang antas ng paglalaro ng Tamaraws dahilan upang manaig sila sa dalawang sunod na laro kontra sa number two seeds Adamson sa Final Four.
“One thing I noticed with FEU in the Final Four is they have a lot of energy. They were very aggressive defensively and probably for the first time this year, they run on every given opportunity. We have to match their energy and aggressiveness if we want to win the series,” dagdag pa ng batikang mentor.
Wala naman siyang nakikitang problema kung bakit hindi magagawa ito ng kanyang bataan na aniya ay mas sariwang papasok sa best-of-three championship series.
Isa rin sa kanilang kakapitalisahin ay ang pagkakaroon ng 7-footer na si Greg Slaughter bukod pa kina Kiefer Ravena, Kirk Long at Emman Monfort na ipantatapat niya sa tatlong mahuhusay na guards ng FEU.
Ang Game One ay magsisimula sa Sabado sa Araneta Coliseum at ang mananalo ay magkakaroon ng pagkakataong maiuwi ang titulo sa Game two sa Setyembre 27.
- Latest
- Trending