MANILA, Philippines - Maningning na binuksan kamakalawa ang Visayas leg ng 1st Handy Fix Super League National Barangay Championship sa Capitol Parish Gym sa Cebu.
Ito ang ikatlong pagkakataon nationwide opening ng nasabing tournament matapos ang Mindanao nitong Sept. 4 at Luzon (Sept. 11), ayon kay Magna Prime GM Derrick Tan at commissioners Darren Evangelista at Jinky Vicente Tuazon.
Ang mga Barangay teams mula sa Cebu City, Mandaue, Lapu-Lapu at Talisay ang maglalaban-laban para kumatawan sa probinsiya sa regional championship, ayon kay Visayas coordinator Rey Canete.
Magbabalik ang Mindanao leg sa Sept. 24 kung saan haharapin ng Brgy. 76-A ang Brgy. 38-D Poblacion at magtitipan naman ang Brgy. 74-A Matina at ang Brgy, Talomo sa Brgy. 76-A Bacuna gym at sa Sept. 25 naman magsasagupa ang Brgy. 7-A at Brgy. Agdao, at ang Brgy. Buhangin at Brgy. Sasa sa Buhangin gym.
“As we’ve always advocated, this event was created to give opportunity to barangay athletes so they can compete on a national level,” ani Derrick Tan, GM ng Magna Prime Distribution Corp., gumagawa ng Handy Fix Multi-Purpose Adhesive and Sealant.