^

PSN Palaro

GTK Army kukuha ng 10 gold sa 26th SEAG kung...

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Kung hindi babawasan ang bilang ng atletang hi­ni­hingi, nakikita ni Go Teng Kok ang kakayahan manalo ng hanggang 10 gin­to ang ilalabang mga manlalaro sa 26th SEA Games sa Indonesia.

Tumaas mula sa naunang inasinta na pitong ginto ang inaasahan ng PATAFA base sa mga datos na hawak mula sa mga nilahukang kompetis­yon sa labas ng bansa.

Ang mga gold medalist noong 2009 na sina Arniel Ferrera sa men’s hammer throw, Marestella Torres sa women’s long jump, Rene Herrera sa 3000m steeplechase, Eduar­do Buenavista at Jho-An Banayag sa marathon at Danilo Fresnido at Rosie Villarito sa jave­lin throw ay inaasahang madodominang muli sa kanilang paboritong events sa 2011 SEA Games sa Nobyembre.

“Base sa performance sa mga international tournaments na sinalihan ng mga atleta, palaban din tayo sa gold sa men’s 4x400m, men’s 400m hurdles at men’s long jump. Ang track and field ay mea­sureable sport kaya makikita ko talaga kung saan may chance sa me­dal,” wika ni Go.

Ngunit posibleng hindi mangyari ang inaasam dahil pumalo lamang sa 15 ang atletang pinahintulutan ng POC working committee na siyang nagsasala ng manlalarong ipadadala sa torneo.

May 409 na ang pi­na­­hintulutan ng POC para mapabilang sa dele­gasyon at ang 15 tracksters ay mula sa 44 na ipinatala ng PATAFA.

Naniniwala si Go na may kinalaman ang gina­wang aksyong ito ng POC sa alitan niya at ng pa­ngulong si Jose ‘Peping’ Cojuangco, Jr. na nagresulta upang matanggal siya bilang kasapi ng NOC.

“Kung galit sila sa akin, ako na lang ang pa­rusahan nila, hindi ang mga atleta,” ani Go kay Cojuangco.

ARNIEL FERRERA

COJUANGCO

DANILO FRESNIDO

GO TENG KOK

JHO-AN BANAYAG

MARESTELLA TORRES

RENE HERRERA

ROSIE VILLARITO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with