RP netters giba sa Taiwanese

LAPU LAPU CITY, Cebu, Philippines -- Tinapos ng Chi­nese-Tai­pei ang kanilang labanan ng Philippine Team mula sa 3-2 panalo sa Asia-Oceania Da­vis Cup relegation tie ka­hapon dito.

Yumukod si Fil-Am Treat Huey kay Chen Ti, 6-3, 7-6 (2), 6-2, sa reverse singles para patuloy na ma­natili ang Taiwan sa Group I sa pang pitong sunod na taon.

"It was a tough match, tough weekend," ani Huey, nauna nang nagtala ng 6-4, 6-4, 6-3 tagumpay la­ban kay Chinese- Taipei No. 2 Jimmy Wang noong Bi­yernes.

Natalo sina Hu­ey at Ce­cil Mamiit ng isang 6-3, 4-6, 6-2, 3-6, 6-8 kina Lee Hsin Han at Yi Chu Huan sa doubles noong Sabado.

Sa isang non-bearing ga­me, ginitla naman ni youth standout Jeson Pa­t­rombon sa ikalawang re­ver­se singles, si Wang, 1-6, 6-4, 6-3.

Show comments