Army kinuha ang 1-0 lead

MANILA, Philippines - Kasabay ng paglimi­ta kay American import Lauren Ford sa 5 points, dinomina ng Philippine Army ang San Sebastian College, 25-9, 25-20, 25-16, sa Game One ng Shakey‘s V-League Open Con­fe­rence finals kahapon sa The Arena sa San Juan.

Nagrehistro si Rachel Ann Daquis ng 14 hits pa­ra sa Lady Troopers, ha­bang may 13 points si Ma­ry Jean Balse at 11 kills si Michelle Carolino pa­ra sa kanyang 12 points sa 1-0 abante nila sa kanilang best-of-three titular showdown ng Lady Stags .

Nag-ambag naman si­na Ma­riet­ta Carolino at Cris­tina Salak ng tig-9 hits.

Tuluyan nang makukuha ng Army ang korona sakaling manaig sila sa San Sebastian, ang 2008 second conference champion, Game Two sa Huwebes.

Sa kabuuan ng laro, nagposte ang Lady Troopers ng 36 kills, 10 blocks at 10 points mula sa servi­ce line kontra sa Lady Stags.

Nalimitahan ng Army si Ford, hinirang bi­lang Most Valuable Pla­yer at Best Scorer, sa 5 points sa panig ng San Sebastian.

Sa agawan naman pa­ra sa third place trophy, giniba ng Ateneo De Manila Uni­versity ang Philippine Na­­vy, 25-22, 23-25, 25-19, 14-25, 15-8.

Humataw si Fille Cainglet ng 30 points para sa 1-0 bentahe ng Lady Eagles sa kanilang serye ng La­dy Sailors.

Kumuha si Cainglet ng 28 kills para sa Ateneo, ang first conference titlist, na ang huli ay lumusot sa depensa ng Navy.

Show comments