Ortiz na-TKO ni M'weather
MANILA, Philippines - Mailalagay sa hanay na kontrobersyal na pagtatapos ang tagisang naganap sa pagitan nina Floyd Mayweather, Jr. at Victor Ortiz kahapon sa MGM Grand Arena sa Las Vegas.
Inagaw ng walang talong si Mayweather ang WBC welterweight title ni Ortiz nang pakawalan nito ang kaliwa’t kanan sa hindi handang kampeon para matulog ito may 2:59 sa orasan sa fourth round.
Kontrolado ni Mayweather ang kabuuan ng laban pero pansamantalang itinigil ni referee Joe Cortez ang laban nang bawasan niya ng puntos si Ortiz dahil sa intentional headbutt.
Linapitan ni Ortiz si Mayweather at inakap at hinalikan sa pisngi bilang tanda ng paghingi ng tawad.
Ipinagpatuloy ni Cortez ang laban pero lumapit uli si Ortiz at umakap kay Mayweather. Nang naghiwalay ay dito agad na pinakawalan ng dating pound for pound king ang magkasunod na pamatay na suntok.
“We touched gloves and we were back to fighting and then I threw the left and right hand after the break. In the ring, you have to protect yourself at all times,” wika ni Mayweather na binatikos ng ilan dahil sa umanong pandaraya sa aksyong ginawa.
Ngunit nilinis ni Cortez si Mayweather sa anumang kamalian.
Aminado naman si Ortiz na idinepensa sa unang pagkakataon ang titulong inagaw kay Andre Berto noong Abril 16, na nagkamali siya at hindi tunay na natalo ni Mayweather.
May 42-0 kasama ang 26 KO si Mayweather, habang may 29-3-2 (22 KOs) si Ortiz.
- Latest
- Trending