Pinas giba sa Taipei, 2-1 na

LAPU LAPU CITY, Cebu, Philippines --Nahulog sa 1-2 agwat ang Team Philippines matapos matalo sina Fil-Ams Cecil Mamiit at Treat Conrad Huey kina Lee Hsin Han at Yi Chu Huan, 3-6, 6-4, 2-6, 6-3, 8-6, sa doubles event ng kanilang Asia-Oceania Davis Cup Group I relegation tie kahapon dito sa Plantation Bay Resorts and Spa claycourt.

Pakay ni Huey, ang ranked 59th sa doubles, na maduplika ang kanyang 6-4, 6-4, 6-3 paggiba kay Jimmy Wang sa ikalawang singles game noong Biyernes.

Haharapin ni Huey si Chinese-Taipei ace Chen Ti, pinayukod si Mamiit, 6-7 (2), 6-2, 7-6 (6), 6-3, sa unang singles match, ngayong alas-10 ng umaga.

Sasagupain naman ni Mamiit si Wang.

Ang kabiguan ni Huey kay Ti ang magbabalewala sa laro ni Mamiit kay Wang.

Show comments