^

PSN Palaro

Reyes , 4 pa umusad; Bustamante bigo

-

MANILA, Philippines - Muling ipinamalas ni Efren ‘Bata’ Reyes ang kanyang mahika upang matakasan ang American na si Jayson Shaw, 9-6 at maningning na buksan ang kanyang kampanya para sa korona sa pagbubukas ng 11th Pre­dator International 10-Ball Championship kahapon sa Robinson’s Galleria sa Ortigas.

Nakakuha si Reyes, nagwagi noong nakaraang taon sa Manila, ng bye sa first round ng weeklong tournament na may nakalaang $10,000 sa magka-kampeon.

Umagaw rin ng eksena sina Ronato ‘Volcano’ Alcano, Ramil ‘Bebeng’ Gallego at ang batang bilyarista na si RJ Bautista matapos talunin ang kani-kanilang ka­laban.

Walang hirap na nag­wagi si Alcano sa kala­bang si Reda Belhaj sa pa­­mama­gitan ng default bago naungusan si Johann Chua, 9-8; tinalo ni Gallego ang kababayang si Lee Van Corteza, 9-6 at si Jericho Banares, 9-5, habang gumawa ng upset si Bautista nang kanyang payukurin ang American na si Max Eberle, 9-6.

Niyanig ni Jundel Mazon ang world Bo. 9 champion na si Francisco ‘Django’ Bus­tamante, 9-3 upang isa­ayos ang kanilang se­cond showdown ni Bautista.

ALCANO

BALL CHAMPIONSHIP

BAUTISTA

GALLEGO

JAYSON SHAW

JERICHO BANARES

JOHANN CHUA

JUNDEL MAZON

LEE VAN CORTEZA

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with