Brgy. 811 at 802 nagpasikat sa Handy Fix Super League MM leg
MANILA, Philippines - Pinayuko ng Barangay 811 ng Paco ang Barangay 738 ng Singalong, 87-82 sa inagurasyon ng Metro Manila leg ng 1st Handy Fix Super League National Barangay Championship sa San Andres Gym nitong weekend.
Tinanghal si Richard Romero ng Brgy. 811 na best player at ang teammate niyang si Marjay Gutierez ang napiling best player of the game.
Sa iba pang laban, naungusan ng Barangay 802 ng San Andres Bukid ang Barangay 72 ng Tondo, 76-72 habang sina Frank Vidal at Bing Natividad ng Brgy. 802 ang napiling best player at defensive player of the game, ayon sa pagkakasunod.
“As we’ve always advocated, this event was created to give opportunity to barangay athletes so they can compete on a national level,” ani Derrick Tan, GM ng Magna Prime Distribution Corp., gumagawa ng Handy Fix Multi-Purpose Adhesive and Sealant. “Looking forward to the city-wide, regional and finally the national finals.”
Hinikayat naman ni PBA superstar Arwind Santos, ang Sapal Elastic Sealant and Waterproofer endorser ang mga kalahok sa Handy Fix Super League na ibigay sa nasabing kompetisyon ang kani-kanilang kakayahan at patas na paglalaro.
- Latest
- Trending