UST jins sumipa ng 2 panalo

MANILA, Philippines - Magarbong panimula ang ginawa ng UST jins nang manalo ang women’s team sa Ateneo, 7-0, at UP, 6-1, sa pagbubukas ng UAAP taekwondo competiton nitong Martes sa The Arena sa San Juan City.  

Sinabayan ng men’s team ng UST ang magandang simula ng women’s team sa 6-1 panalo sa Ateneo para masamahan ang La Salle at FEU na nanalo sa kanilang unang laro.

Sina finweight Korina Paladin, flyweight Yvie Hanah Murillo, bantamweight Monica Reyes, featherweight Marynez Niango, lightweight Arianne Agegurado, welterweight Emron Golding at middle heavyweight Jane Narra ang mga umukit ng panalo sa UST lady jins.

Ang FEU ay umiskor din ng 7-0 panalo sa UE habang ang La Salle ay may 4-3 panalo sa UP sa iba pang wo­men’s results.

Si Marlon Avenido na MVP ng Season 72 ang bu­mandera sa UST sa kinuhang 6-0 panalo kay Paolo Santiago ng Ateneo sa middle heavyweight.

Ang Archers ay may 6-1 panalo sa UE haban ang FEU ay may 4-3 tagumpay sa UP upang magkasalo ang tatlo sa liderato sa men’s division.

Show comments