^

PSN Palaro

Eagles, Falcons kakatok sa Finals

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Puwesto sa finals ang nakataya ngayon sa Ate­neo at Adamson sa pagbubukas ng 74th UAAP Final Four sa Araneta Coliseum.

Totodo ang laro ng mga Eagles sa pagbangga sa UST sa ganap na alas-12 ng tanghali upang makum­pleto ang naudlot na mis­yon na makapasok na sa Finals habang inaasa­hang balikatan naman ang bakbakan sa pagitan ng Adamson at FEU sa ikalawang laro dakong alas-3 ng hapon.

Naunsiyami ang tropa ni coach Norman Black sa mithiing awtomatikong puwesto sa Finals sa makasaysayang 14-0 sweep sa double round elimination nang lasapin ang di inaasahang 62-46 kabiguan sa huling laro sa eliminasyon laban sa Adamson.

“You have to face adver­sity and it’s our time to face it,” wika ni Black.

Walang nakikitang prob­lema si Black sa kondisyon ng pangangatawan at isipan ng kanyang bataan lalo nga’t angat na angat sila sa Tigers sa labanang ito.

Hindi pa nakakatikim ng panalo ang tropa ni Tigers coach Alfredo Jarencio sa Eagles matapos manalo ng titulo noong 2006 at ka-kailanganin ng UST ang mas mahusay na paglalaro mula sa nagbabalik mula sa suspension na si Karim Abdul, Jeric Teng, Jeric Fortuna, Chris Camus at Kevin Ferrer.

Ang 7-footer na si Greg Slaughter kasama sina Kiefer Ravena, Nico Salva, Kirk Long at Emman Monfort ang kakamada sa Eagles para marating ang ikawalong pag-usad sa Finals.

Naghati naman sa tig-isang panalo ang Adamson at FEU sa eliminasyon na patunay na magkasingsukat ang lakas ng dalawa.

 Mataas ang morale ng tropa ni coach Leo Austria dala ng pagkapanalo sa Eagles upang mawakasan ang 29-game losing streak ngunit kilala ang Tamaraws na tumataas ang antas ng paglalaro kapag pumasok sa Final Four.

Sina Alex Nuyles, Lester Alvarez at Lionel Manyara ang mga batikang manlalaro ng Adamson la­ban sa subok nang sina RR Garcia, Aldrech Ramos at Terrence Romeo.

vuukle comment

ADAMSON

ALDRECH RAMOS

ALFREDO JARENCIO

ARANETA COLISEUM

CHRIS CAMUS

EMMAN MONFORT

FINAL FOUR

GREG SLAUGHTER

JERIC FORTUNA

JERIC TENG

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with