^

PSN Palaro

Smart Gilas mapapasabak na sa aksyon vs UAE ngayon

-

WUHAN -Makakasagupa ng Smart Gilas Pi­li­pi­nas ang United Arab Emirates sa pagbubukas ng 26th FIBA-Asia Men’s Championships na nagsisilbing regional qualifier para sa 2012 London Olym­pic Games.

Magtatapat ang Natio­nals at ang UAE, nakalaban na nila sa nakaraang Jones Cup sa Chinese-Taipei, ngayong alas-6 ng gabi.

Ang host China at Bahrain, kasama ng Smart Gilas at UAE sa Group D, ay maghaharap sa alas-8 ng gabi. Makakalaban naman ng Jordan, ang second runner-up sa Iran at sa China sa Tianjin meet noong 2009, ang Syria sa alas-9 ng umaga.

Kumpiyansa si Serbian coach Rajko Toroman sa ipapakita ng Smart Gilas sa UAE.

Humugot ng foreign coach ang UAE sa pamamagitan ni Serbian mentor Zoran Zupcevic.

Matapos ang UAE, ang China ang makakasubukan ng Nationals bukas ng alas-8 ng gabi.

Ang Bahrain ang huling makakalaban ng Smart Gilas sa Sabado sa alas-11 ng tanghali.

vuukle comment

ANG BAHRAIN

ASIA MEN

GROUP D

JONES CUP

LONDON OLYM

RAJKO TOROMAN

SMART GILAS

SMART GILAS PI

UNITED ARAB EMIRATES

ZORAN ZUPCEVIC

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with