MANILA, Philippines - Matapos sibakin ang VisionQwest, kumuha si Filipino world eight-division titleholder Manny Pacquiao ng bagong accounting firm na titingin sa kanyang pera.
Ang Los Angeles-based accounting firm na Tanner, Mainstain, Blatt and Glynn ang siyang bagong magrerebisa sa kanyang mga tax returns ukol sa refunds due at siyang gagawa ng auditing sa records ng kanyang promoter na si Bob Arum.
“This a large firm, I've verified that they're all certified public accountants, and I've prioritized what they've been hired to do. The first priority is to contact the IRS, to inform the IRS that they've taken over Manny's representation, and to facilitate whatever information they're entitled to and that they need to continue the audit that's been ongoing,” ani Michael Koncz, ang Canadian adviser ni Pacquiao.
Tinanggal ni Pacquiao ang VisionQwest matapos magreklamo ang huli sa hindi pagkokonsulta sa kanila ng Filipino boxing icon sa nilagdaang kontrata sa HBO para sa kanilang laban ni Juan Manuel Marquez sa Nobyembre 12. Nagtungo pa ang tropa ng VisionQwest sa Pilipinas upang hingan ng paliwanag si Pacquiao.
Ang Westwood-based firm na Tanner, Mainstain, Blatt at Glynn ay binubuo ng mga certified public accountants at nasa top 50 gaya ng mga firms nationally at regionally ng The Los Angeles Business Journal.
Gumagawa rin ang grupo ng auditing, estate planning, personal financial advisory and planning, bill-paying, tax at accounting services, litigation support at entertainment at professional sports representation.