^

PSN Palaro

Mag-amang Aguilar, Sam Milby sumagasa ng panalo

- Ni RMPa­ngilinan -

MANILA, Philippines - Dinomina ni Golden Wheel Awardee at unang Asian Motocross Cham­pion na si Glenn Aguilar ang Pro Open Category ng 8th Leg ng Enersel Forte Philippine National Motocross Series sa Quirino Province noong Setyembre 10-11.

Ang anak niyang si Mclean ay bumandera naman sa 85 CC class.

Naghari rin si celebrity rider at matinee idol Sam Milby sa Beginner Open Prod category ng motocross event na pinangunahan ni Quirino Governor Junie E. Cua bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-40 anibersaryo ng probinsiya.

Ang mga nanguna sa kanilang mga kategorya ay sina Aguilar, Bornok Ma­ngosong at Ted Conde (Pro Open); Milby, Judy Bacabac at Jepoy Rellosa (Beginner Open Prod); Jessy Pineda, Atong Mangosong at Arniel Lacnit (Novice Open Prod); Atong Mangosong, Arniel Lacnit at Pepo Rubi (Intermediate); Clifford Gabriel, Arwin Palilio at Loue Panahon (ATV Open); Bombet Santos, Rojay Fernatez at Aikee Mapa (Underbone Open); Bombet Santos, Gani Marquez at Dulay Atrew (Local Open Enduro); Bick Bick Sibbaluca, Rojay Fernatez at Gerald Esquibil (Underbone Local); Bombet Santos, Jun2 Antonio at Dulay Atrew (Novice Local Enduro) at Pia Gabriel, Marriane Yapparcon at Jade Nabua (Ladies).

Ang batang Aguilar ay nagtapos bilang ika--14 sa Beginner Open Prod at ika-17 sa Novice Open Prod, habang si Milby ay pang 11 sa Novice Open Prod.

Pumuwesto naman si Jay Lacnit, ang CEO at presidente ng nag-orga­nisang SEL-J Sports, sa ika-9 sa Executive A, pang 12 sa Executive B at pang 11 sa Beginner Open Prod.

 

AGUILAR

AIKEE MAPA

ARNIEL LACNIT

ATONG MANGOSONG

BEGINNER OPEN PROD

BOMBET SANTOS

DULAY ATREW

NOVICE OPEN PROD

OPEN

ROJAY FERNATEZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with