MANILA, Philippines - Isasama rin ng Philippine Davis Cup team ang Asia Oceania Zone Group I playoff tie laban sa Chinese Taipei sa kanilang preparasyon para sa 26th Southeast Asian Games sa Nob yembre 11-25 sa Palembang at Jakarta, Indonesia.
“This particular tie will surely boost the experience level of our team for our preparation for the Southeast Asian Games,” sabi ni Fil-Am Cecil Memiit, ang RP Team palying captain.
Nakatakdang harapin ng RP Team ang Taiwanese team simula sa Biyernes sa Plantation Bay Resorts and Spa in Lapu Lapu City.
Makakatulong ni Mamiit, naging bahagi ng training team ni tennis star Maria Sharapova, sina Fil-Am Treat Huey, isang doubles specialist, at rookies Ruben Gonzalez at Jeson Patrombon.
Sina Mamiit at Huey ang bumandera sa bansa sa pagsikwat ng dalawang gold, dalawang silver at dalawang bronze medals sa 2009 Laos Southeast Asian Games.
Ang Taiwanese squad ay binubuo naman nina Ti Chen, Jimmy Wang, Lee Hsin-Ha, Yi Chu-han at non-playing team captain Tsai Chia-Yen.