^

PSN Palaro

Lady Troopers at Lady Stags lumapit sa finals

- Ni RCadayona -

MANILA, Philippines - Katulad ng inaasahan, binigo ng No. 1 Philipopine Army at No. 2 San Sebastian College ang No. 4 Ateneo De Manila University at No. 3 Philippine Navy, ayon sa pagkakasunod, sa Game One ng Final Four ng Shakey’s V-League Open Conference.

Giniba ng Lady Troopers ang Lady Eagles, 25-10, 25-21, 25-19, samantalang pinayukod naman ng Lady Stags ang Lady Sailors, 25-20, 34-32, 25-22, sa kani-kanilang best-of-three semifinals series kahapon sa The Arena sa San Juan.

Kailangan lamang manalo ng Army at San Sebastian sa Game Two sa Huwebes kontra Ateneo, ang first conference champions, at Navy upang itakda ang kanilang championship series.

Humataw si Rachel Ann Daquis ng 14 sa kanyang 32 spikes para banderahan ang atake ng Lady Troopers.

Ang kanyang huling spike ang tuluyan nang tumapos sa tsansa ng Lady Eagles.

May 8 kills si Michelle Carolino para sa Army, habang nag-ambag ng hits si Mary Jean Balse bukod pa ang kanyang 3 blocks.

Nalimitahan si Fille Cainglet, ang ikalawang leading scorer ng liga mula sa kanyang 16.8-point norm, sa 4 hits para sa Ateneo.

Sa ikalawang laro, nagtala si American Lauren Ford ng 20 kills.

AMERICAN LAUREN FORD

ATENEO

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

FILLE CAINGLET

FINAL FOUR

GAME ONE

GAME TWO

LADY EAGLES

LADY SAILORS

LADY TROOPERS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with