MANILA, Philippines - Si PBA star Arwind Santos, ang endorser ng Sapal Elastic Sealant and Waterproofer, ang maghahagis ng ceremonial toss sa pagdribol ng Metro Manila leg ng 1st Handy Fix Super League National Barangay Championship ngayon sa San Andres Gym sa Malate.
Kabuuang 12 barangay teams mula sa Manila, anim buhat sa Taguig at anim galing sa Pasay ang makikita sa aksyon.
“A few weeks ago, this first-of-its-kind tournament was launched in Davao. Now it’s Manila’s turn to fulfill one of the primary objectives of this event--to create an opportunity for barangay athletes to compete in a national level,” sabi ni Derrick Tan, GM ng Magna Prime Distribution Corp., ang gumagawa ng Handy Fix Multi-Purpose Adhesive and Sealant.
Ang 24 teams mula sa Pasay, Taguig, Manila (Luzon), Lapu-Lapu, Mandaue, Talisay, Cebu (Visayas), Tagum, Digos, Panabo, Davao (Mindanao) ay maglalaro sa isang two-group single round elimination.
Ang mga top teams mula sa kanilang mga bracket ang mag-aagawan para sa karapatang katawanin ang kanilang lungsod sa regional finals sa Nobyembre 5-6.