^

PSN Palaro

Army, SSC pakay ang unang panalo sa semis

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Ang unang panalo ang hangad ng apat na koponan sa pagsisimula ng semifinal round ng Shakey’s V-League Open Conference ngayong hapon sa The Arena sa San Juan.

Magtatagpo ang No. 1 Philippine Army at first conference champions at No. 4 Ateneo De Manila Uni­versity sa ganap na alas-2 ng hapon kasunod ang banggaan ng No. 2 San Sebastian College at No. 3 Philippine Navy sa alas-4.

Ang apat na tropa ay sasabak sa isang best-of-three semifinals series.

Ang Lady Troopers at Lady Stags ang umangkin ng unang dalawang tiket sa Final Four, samantalang nagamit naman ng Lady Sailors ang kanilang mas mataas na tiebreaker points at ang Lady Eagles ang huli nilang nakasama.

Itatampok ng Army ang mag-utol na sina Michelle at Marietta Carolino bukod pa kina Rachel Ann Da­quis, Joanne Buñag at Mary Jean Balse.

Itatapat naman ng Ate­neo sina top hitters Alyssa Valdez at Fille Cainglet katuwang sina Dzi Gervacio, Gretchen Ho, Aerieal Patnongon at Dennise La­zaro.

Para makapasok sa Final Four, tinalo ng Lady Eagles ang Airwomen ng Philippine Air Force sa kanilang playoff nitong Huwe­bes.

AERIEAL PATNONGON

ALYSSA VALDEZ

ANG LADY TROOPERS

ANN DA

ATENEO DE MANILA UNI

DENNISE LA

DZI GERVACIO

FILLE CAINGLET

FINAL FOUR

LADY EAGLES

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with