'Trilogy' mas maaksyon
BEVERY HILLS - Isa lamang ang tiniyak ng mga trainers nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez: Isang matinding bakbakan.
“This morning I was asked if the first two fights will ever be forgotten,” wika ni Mexican training legend Nacho Beristain sa press conference kahapon dito.
Ang tinutukoy ni Beristain ay ang mga classic fights nina Marquez at Pacquiao noong 2004 at 2008.
Patuloy na pinag-uusapan ang naturang dalawang beses na pagtatagpo nina Pacquiao at Marquez. At sinabi ni Beristain na maririnig pa rin ito kahit na papalapit na ang kanilang ikatlong banggaan.
“No, it will never be forgotten because those are two classic fights,” wika nito sa laban nina Pacquiao at Marquez sa Nobyembre 12 sa MGM Grand sa Las Vegas, Nevada.
Naniniwala ang Mexican trainer na mas magiging maganda ang pangatlong sagupaan nina Pacquiao at Marquez kumpara sa nakaraan nilang dalawang sapakan.
“The third one will be the best of the three. A classic, too, and I’m very happy to be involved with it. I’m sure this will be the best trilogy of boxing ever,” dagdag ni Beristain.
Sinang-ayunan naman ni Freddie Roach ang mga pahayag ni Beristain.
“This will be a classic fight that we’ve wanted for a long time,” sambit ni Roach na nagsabing alam niyang mas magiging handa ang kampo ng Mexicans. “We’re gonna be at our best.”
Samantala, ang lahat ng 16,000 tickets sa MGM Grand para sa fight night ay sold out na.
Samantala, ang libu-libong milyang biniyahe mula Manila hanggang sa New York patungo sa Los Angeles at papunta sa Mexico sa ibat ibang time zones sa huling apat na araw ay may epekto sa dalawang boxers.
“Good afternoon, good morning, good night,” sabi ni Juan Manuel Marquez sa microphone sa mga bumati sa kanya sa press conference dito sa Beverly Hills Hotel.
May mga tawanan.
“From the Philippines, New York and here I don’t know what the time is,” dagdag ni Marquez na tila nagmamakaawa ng kaunting pagtulog ukol sa kanilang press tour ni Pacquiao.
Bumiyahe ng 25,000 milya para sa press tour, wala pa halos pahinga ang kampo nina Pacquiao at Marquez kung saan sila nagpalipat-lipat ng eroplano at sumakay sa mga itim na SUVs para sa press conferences, interviews at photo shoots.
- Latest
- Trending