^

PSN Palaro

Barroca hinugot ng B-Meg mula sa isang 3-team trade; Casio makikipag-usap sa Powerade para sa kontrata

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Si dating Smart Gilas Pilipinas’ point guard Mark Barroca ang sinasabi ni dating PBA Board chairman Rene Pardo na kukumpleto sa B-Meg.

Kaya naman pumasok ang Llamados sa isang three-way trade kasama ang Barako Bull Energi­zers at Shopinas Clickers upang makuha si Barroca.

Sa pagkakasambot ng B-Meg sa dating Far Eastern University Tamaraw, napasakamay naman ng Barako Bull, dating Air21, ang beteranong forward na si Don Allado, habang napunta si small forward Elmer Espiritu sa Shopinas.

“Matagal na naming ti­nitingnan si Mark Barroca,” sabi ni Pardo. “I think he will complete our team.”

Si Richard Del Rosario ang siyang gagabay sa Lla­mados, itatampok ang pagbabalik sa aksyon nina Kerby Raymundo, Rico Maierhofer at Rafi Reavis, bilang bagong head coach kapalit ni Jorge Gallent.

Bukod sa 6-foot-3 na si Espiritu, nakuha rin ng Shopinas ni Franz Puma­ren si rookie center in Bryan Ilad kapalit ng isang future draft pick ng B-Meg.

Ang nasabing mga tra­des ay inaasahang pa­pa­yagan ni PBA Commissioner Chito Salud.

Nauna nang nagkasun­do sa isang three-team trade ang Talk ‘N Text, Me­ral­co at Powerade.

Nahugot ng Bolts sina Mark Macapagal at Chico Lanete ng Tigers at Mark Yee ng Tropang Texters, habang nakuha ng Power­ade si Ogie Menor at Shawn Weinstein at dinala si Bam Gamalinda sa Talk ‘N Text.

Pinakawalan naman ng Meralco sina 6’8 Marlou Aquino at shooter Renren Ritualo na posibleng kunin ng Shopinas.

Samantala, ma­ki­ki­pag­pulong nga­yong umaga si 2011 PBA Rookie Draft No. 1 over­all pick JV Casio sa Po­werade kasama ang kanyang agent/player na si Charlie Dy.

Ito ay ukol sa gustong makuha ni Casio na isang three-year contract sa Tigers na naibigay naman ng Rain or Shine Elasto Pain­ters kay No. 2 overall pick Paul Lee, naglaro sa University of the East.

vuukle comment

B-MEG

BAM GAMALINDA

BARAKO BULL

BARAKO BULL ENERGI

BRYAN ILAD

CASIO

MARK BARROCA

N TEXT

SHOPINAS

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with