UAAP Player of the Week si Jeric Teng

MANILA, Philippines - Binigyan ng pagkilala ng mga kumumober sa 74th UAAP ang mahusay na ipinakita ni Jeric Teng nang ang gunner ng UST ang pinarangalan bilang ACCEL/3XVI UAAP Press Corps Player of the Week.

Ibinigay ni Teng ang pun­tos na hanap ng Tigers nang napag-iwanan ng 17 puntos sa first half upang makumpleto ang 74-58 panalo laban sa Adamson noong Sabado.

Isa lamang sa kabu­uang 20 na ginawa sa laro ang ibinagsak ni Teng sa se­cond half at ang mga ma­titinding tres ang siyang na­katulong para tuluyang makaahon ang UST at manatiling matibay pa ang paghahabol sa puwesto sa Final Four.

“Taglay pa rin niya ang momentum dala ng mga magagandang laro sa mga huling laban namin,” wi­ka ni UST coach Alfredo Ja­ren­cio.

Tatlong tres ang ginawa ni Teng sa second half para mai­sulong ang winning streak sa tatlo patungo sa pu­mapang apat na 7-5 ba­raha.

Kailangan na lamang ng Tigers na maipanalo ang isa sa nalalabing dalawang laro para opisyal na makapasok sa Final Four na huli nilang naabot da­lawang season na ang na­kararaan.

“Ginagawa ko lamang ang lahat para matulungan ang team. Hindi lamang naman ako ang naaasahan dahil naririyan din sina Karim Abdul, Chris Camus at Jeric Fortuna,” wika ni Teng, anak ng dating PBA defensive player na si Alvin ‘Robocop’ Teng.

May 8 rebounds at 6 assists pa si Teng para kat­­ampukan ang pagiging pinakamahusay na man­lalaro.   

Show comments