Lady Eagles asam ang ikatlong semis Berth

MANILA, Philippines - Pilit na popormalasihin ng Ateneo De Manila University ang kanilang pagpasok sa Final Four sa pakiki­paglaban sa Philippine Air For­ce ngayong alas-4 ng ha­pon sa pagwawakas ng quarterfinal round ng Sha­­key’s V-League Open Con­ference sa The Arena sa San Juan.

Sa unang laro sa alas-2, mag­sasagupa naman ang se­mifinalist San Sebastian College at nanganganib na Maynilad.

Ang Philippine Army (4-1) at San Sebastian (3-1) ang unang mga nakakuha ng tiket sa Final Four, habang umaaasa namang ma­kakasama sa kanila ang Ateneo (2-2), Philippine Na­vy (2-3), Air Force (1-3) at Maynilad (1-3).

Magkakaroon lamang ng isang four-way tie para sa dalawang natitirang se­mifinals seat kung mana­nalo ang Air Force at Maynilad.

Ang Lady Eagles, Lady Sailors, Water Dragons at Air­women ang maglalaban pa­ra sa dalawang playoff mat­ches na dedetermina sa aangkin sa huling dalawang silya sa Final Four.

Muling pamumunuan ni­na Fille Cainglet, Alyssa Val­dez, Gretchen Ho, Dzi Ger­vacio, Aerieal Patno­ngon at Jamenea Ferrer ang Ate­neo kontra kina Aiza Maizo, Jennifer Man­zano, Liza Deramos, Wen­dy Sema­na, Amelia Guan­co at Irish Patrona ng Air Force.

Sa unang laro, asam ng Lady Stags na ma­ka­bawi mula sa isang four-set loss sa Lady Troo­pers sa kanilang huling laro no­­ong Setyembre 1 sa pa­­kikipaglaban sa Water Dra­gons.

Itatampok ng San Se­bas­tian sina leading scorer at spiker American Lauren Ford, Thai import Jeng Bua­lee, Joy Benito, Rubie de Leon, Jill Gustilo at Daf­na Robiños katapat sina Joy Cases, Syvie Artates, Ni­ca Guliman, Mervic Mangui, Ma. Josephine Cafran­ca, Beverly Boto, setter Cha­risse Ancheta, liberos Joanne Ayson, Marie dela Pe­ña at guest player April Hingpit. (

Show comments