Mga runners nagdeklara: Sa Globe Tattoo kami!
MANILA, Philippines - Daan-daang runners ang lumahok sa Run United marathon noong Linggo sa Bonifacio High Street sa Taguig at nagpakita ng kanilang indibiduwalismo at nagpalutang ng kanilang sariling personalidad sa pagdedeklara ng kanilang pagpili sa Tattoo, ang nangungunang broadband na may lakas ng Globe.
Sa dagat ng mga mananakbong nakasuot ng blue singlet, mas pinili ng daan-daang marathoners na isuot ang orange at black na Tattoo singlet na may nakabanderang ‘I Choose Tattoo’ na tinernuhan pa nila ng race belts at sun visors na markado rin ng Tattoo.
Dahil dito, lutang na lutang sila sa lahat ng mga runners.
Subalit ang naging highlight ng kanilang ‘I Choose Tattoo Day’ ay nang matiyagang pumili ang mga runners sa Tattoo booth upang magpa-face o arm paint ng ‘I Choose Tattoo’ logo, magpakuha ng litrato at ini-upload gamit ang ‘I Choose Tattoo’ Facebook app at idineklara sa kanilang mga kaibigan na kabilang na sila sa libu-libong pumili ng Tattoo.
Para pasayahin ang kanilang ‘I Choose Tattoo’ experience, daan-daang freebies ng ipinamigay ng Tattoo sa mga nakilahok.
- Latest
- Trending