MANILA, Philippines - Sasagupain ng Lyceum ang host Perpetual Help ngayong alas-4 ng hapon, habang haharapin ng St. Benilde ang Arellano sa alas-11:45 ng tanghali sa 87th NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.
Naunsiyami ang Pirates na mapanatili ang paghawak sa No. 4 seat nang matalo sa Mapua, 59-80.
Mahawakan naman ang No. 6 spot ang nakataya unang laro sa pagitan ng Blazers (4-7) at Chiefs (4-8).