^

PSN Palaro

Simula na ng aksyon sa Handy Fix Super League

-

MANILA, Philippines - Magsisimula ngayon ang tagisan ng 72 koponan mula sa mga barangay sa apat na siyudad sa pagbubukas ng 1st Handy Fix Super League National Barangay Championships sa iba’t ibang palaruan.

Tig-24 koponan na nagmula sa Parañaque, Pasay, Taguig at Manila sa Luzon; Lapu Lapu, Mandaue, Talisay at Cebu sa Visayas; Tagum, Digos, Panabo at Davao sa Mindanao ang maglalaro sa dalawang grupong single round robin.

Ang mangungunang koponan sa ba­wat grupo ay maglalaban-laban para ma­determina ang uusad sa Regional finals sa Nobyembre 5 at 6.

Ang lalabas na city champions ay da­daan uli sa single round robin para ma­kita ang kakatawan sa regional teams na maglalaban-laban sa national finals sa Cebu City sa Nobyembre 12 at 13.

“Binibigyan ng ligang ito ng oportunidad ang mga barangay cagers na maipakita ang kanilang galing sa isang national level tournament,” wika ni Derrick Tan na siyang General Manager ng Magna Prime Distribution Corp., na gumagawa ng Handy Fix Multi-Purpose Adhesive at Sealant.

Si Darren Evangelista ng EASMI ang national commissioner habang ang tatanghaling kampeon ng torneo ay magkakamit ng P25,000. Ang papangalawa ay may P15,000 premyo habang P10,000 at P5,000 naman ang mapupunta sa papa­ngatlo at papang-apat.

BINIBIGYAN

CEBU CITY

DERRICK TAN

GENERAL MANAGER

HANDY FIX MULTI-PURPOSE ADHESIVE

HANDY FIX SUPER LEAGUE NATIONAL BARANGAY CHAMPIONSHIPS

LAPU LAPU

MAGNA PRIME DISTRIBUTION CORP

NOBYEMBRE

SI DARREN EVANGELISTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with