^

PSN Palaro

Aguilar may patutunayan sa Quirino leg

- Ni Robbie M.Pangilinan -

MANILA, Philippines - Dadayuhin naman ang Quirino Province ng mga motocross riders para sa 8th Leg ng Enersel Forte Philippine National Motocross Series na gagawin sa Setyembre 10-11.

Puntirya ni Golden Wheel Awardee at kauna-unahang Asian Motocross Champion na si Glenn Aguilar na muling pangunahan ang Pro-Open category na pinagharian niya sa nakaraang pitong karera.

Bibigyang kulay ni Qui­rino Governor Junie E. Cua ang event na bahagi ng limang araw na pagdiri­wang ng ika-40 taong founding anniversary ng probinsiya sa Setyembre 7-11. Ang se­lebrasyon na pinamagatang ‘Panagdadapun Festival.’

Ang taunang Quirino Day motocross event ay bahagi ng kagustuhan ng probinsiya na ipakilala ang Quirino bilang sports capital ng northeastern Phi-lippines. Noong nakaraang Hunyo, sa pagdiriwang ng kaarawan ng gobernador, ay ginanap dito ang Governor Junie E. Cua Invitational Motocross Cup.

Ipinagmamalaki ng pa­ngulo ng SEL-J Sports na si Jay Lacnit, nanguna sa Executive B sa 7th Leg, ang Enersel Series na k­ilala na at kayang makipagsabayan sa mga premyadong motocross event ng bansa kahit dalawang taon pa lamang ito. Halos 95 porsiyento ng mga pinakamagagaling na riders ng Pilipinas ang kabilang sa SEL-J.

ASIAN MOTOCROSS CHAMPION

CUA INVITATIONAL MOTOCROSS CUP

ENERSEL FORTE PHILIPPINE NATIONAL MOTOCROSS SERIES

ENERSEL SERIES

EXECUTIVE B

GLENN AGUILAR

GOLDEN WHEEL AWARDEE

GOVERNOR JUNIE E

J SPORTS

JAY LACNIT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with