Baylon aminado na may mga team na lumalabag sa salary cap, pero...
MANILA, Philippines - Inamin ni PBA Board vice chairman JB Baylon ng Powerade na may mga koponan na lumalabag sa salary cap rule kagaya ng inihayag kamakailan ni Alaska team owner Wilfred Uytengsu.
Pero ito ay mahirap patunayan.
“It won’t be proven unless the players or agents admit they’re being paid over the pay cap. But who will admit,” wika ni Baylon.
Ayon kay Baylon, handa siyang makipag-usap kina PBA Board chairman Mamerto Mondragon ng Rain or Shine at PBA Commissioner Chito Salud para talakayin ang isyu sa paglabag ng ilang PBA team sa salary cap.
“Even if I’m in their position, I would struggle how to start handling the issue. It’s hard,” ani Baylon.
Sa league salary cap rule, ang isang koponan ay pinapayagan lamang gumastos ng maximum P36 milyon sa suweldo ng mga players bawat taon.
Hindi naman makakatanggap ang mga players ng monthly pay na P350,000.
Sa idinaos na press conference ukol sa pagbitaw ni Tim Cone bilang head coach ng Alaska, ibinunyag ni Uytengsu ang paglabag ng ilang PBA teams sa salary cap rule.
Ngunit wala naman siyang binanggit na PBA team.
Ayon kay Uytengsu, kung magpapatuloy ang paglabag sa salary cap, mapipilitan na siyang lisanin ang PBA.
“Somewhere down the road, if we see the foundation of the PBA to crumble beyond repair and where graft and corruption becomes the norm, I think that may be the time that we have to look elsewhere because I don’t think that the PBA is a viable medium of entertainment,” wika ng Alaska team owner.
Sina two-time PBA Most Valuable Player Willie Miller at Joe Devance ay biglaang humingi ng release paper mula sa Alaska sa kabila ng pag-aalok sa kanila ni Uytengsu ng maximum pay na P350,000. Si Miller ay nagtungo sa Ginebra at ngayon ay nasa Barako Bull, dating Air21, samantalang lumipat naman si Devance sa B-Meg.
- Latest
- Trending