Altas pakay ang 3 titulo sa beach volley

MANILA, Philippines - Balik-aksyon ang 87th NCAA beach volley at balak ng host University of Perpetual Help System Dalta na maipasok sa finals ang kanilang men’s, women’s at juniors teams sa La Salle Greenhills sandcourts.

Kalaban ng Altas ang St. Benilde, magtutuos naman ang Lady Altas at Lady Blazers, habang magtitipan ang Junior Altas at Arellano Junior Chiefs simula alas-8 ng umaga.

Nakarating sa semis ang Altas nang manalo sina Marcelo Joaquin at Jay dela Cruz laban kina Ralph Ocampo at Philip Bagalay, 21-11, 21-11; ha­bang sina April Ann Sar­tin at Norie Diaz ay ku­mubra ng 21-11, 21-11, ta­gumpay sa Lady Cardinals Patricia Aquino at Kay Bacit dalawang linggo na ang nakararaan.

Ang mananalo sa semifinals ay aabante tungo sa Finals na magsisimula naman ganap na ala-1 ng hapon sa araw ding ito.

“We’re very proud of our beach volley teams be­cause we are the only school who have three teams in the semifinals. We’re confident our players will continue to shine and give glory to the school,” wika ni UPHSD president at NCAA president at Policy Board chairman Anthony Tamayo.

Show comments