^

PSN Palaro

Walang knockout - Beristain

- Ni AC -

MANILA, Philippines - Kung si Mexican trai­ner Nacho Beristain ang ta­tanungin, hindi siya na­niniwala na mauuwi sa knockout ang ikatlong laban sa pagitan nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez.

“I don’t think there will be a knockout but 12 rounds of really high-level bo­xing,” wika ni Beristain sa pama­magitan ng interpreter na si Ricardo Jimenez ng Top Rank.

Naglaban na sina Pacquiao at Marquez noong 2004 at 2008 at sa dala­wang tagisang ito ay humalik sa kuwadradong lona ang ipinagmamalaking bok­singero ng Mexico.

Tatlong beses tumumba si Marquez noon 2004 pero ang laban ay nauwi sa tabla. Noong 2008, tumumba minsan si Marquez at ito ang sinasabing nagtulak upang manalo si Pacquiao sa pamamagitan ng split decision.

Hindi tanggap ni Marquez ang resultang ito at iginiit na siya ang tunay na nanalo, isang opinyon na kahit si Beristain ay sang-ayon.

“I know we can beat him because we’ve beaten him before,” pahayag pa ng ba­tikang trainer.

Ngunit para makuha ang mailap na panalo, da­pat ay magpakita ng pasensya si Marquez na hindi niya ginawa sa unang tagisan.

Ayon kay Beristain, inengganyo ng ama ni Mar­quez ang anak na bok­singero na atakihin si Pacquiao at nagbayad ito dahil siya ang napuruhan ng suntok.

Sa ikalawang laban, nagmadali rin si Marquez nang inakalang nasaktan niya ang Pambansang kamao dahilan upang siya ang napatumba tungo sa pagkatalo.

Itataya ang hawak na WBO welterweight title ni Pacquiao sa catchweight na 144 pounds, ang dalawang boksingero ay pormal na ipa­kikilala sa publiko sa Quirino Grandstand nga­yong alas-2:30 bilang simula ng World Press Tour.

BERISTAIN

JUAN MANUEL MARQUEZ

MARQUEZ

NACHO BERISTAIN

PACQUIAO

QUIRINO GRANDSTAND

RICARDO JIMENEZ

SHY

TOP RANK

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with