Cone lilipat sa B-meg
MANILA, Philippines - Lalong umiinit ang mga balitang tutungo na si Tim Cone sa B-Meg ngayong binitiwan na siya ng dating koponan na Alaska Milk.
Ang pahaging na pananalita ni Cone sa pulong pambalitaan na nag-anunsyo ng paghihiwalay nila ng koponang sinerbisyuhan noong 1989 ang isa sa nagpapainit sa balitang paglipat ni Cone.
“I’m going to see whatever opportunity is out there at this point. I’m kind of open, I’m hoping that there will be something out there,” wika ni Cone na pinayagang umalis ng Alaska kahit ang kontrata nito ay mapapaso pa sa 2013.
Si Richard del Rosario na kasalukuyang din head coach ng St. Benilde sa NCAA ang siyang napipisil na iupo bilang head coach kahalili ni Jorge Gallent.
Pero marami ang nagdududa sa ginawang aksyon na ito ng B-Meg lalo nga’t wala pang malawak na karanasan ang dating 6’4 center na dati ring naglaro sa ilalim ni Cone sa Alaska.
Samantala, wala namang masyado pang babaguhin sa sistema ang bagong talagang head coach ng Alaska na si Joel Banal.
Ang triangle offense ang ipinasok na sistema ni Cone sa Alaska at walang problema rito si Banal dahil ito umano rin ang kanyang ginamit na sistema nang manalo ng mga titulo sa UAAP at PBL.
Sa iba pang development, nabigyan na ng kontrata ng kani-kanilang koponan ang top draft picks na sina Paul Lee ( 2nd pick ng Rain or Shine) Jason Ballesteros (7th pick ng Meralco) at Allein Maliksi (8th pick ng Barako Bull).
Si Lee ay nakakuha ng lukratibong P8.7-milyon na deal sa Asian Coating Inc., franchise, na nagga-garantiya sa dating UE star ng maximum pay para sa mga bagito sa kanyang unang tatlong taon sa league.
Siya ay tatanggap ng P1.8M sa 201-11-12, P2.7M sa 2012-13 at P4.2M sa 2013-14 season.
- Latest
- Trending