^

PSN Palaro

Cardinals 'di bibitaw sa No. 4 slot kontra Pirates

- Ni ATan -

MANILA, Philippines - Iinit pa ang tagisan para sa mahalagang ikaapat na puwesto sa pagkikita ngayon ng Mapua at Lyceum sa 87th NCAA men’s basketball sa The Arena sa San Juan City.

Nasa solo fourth ang guest team na Pirates sa 5-5 karta pero kapos lamang ng kalahating laro ang Cardinals na nasa ikalima sa 5-6 karta.

Kung manalo nga ang Mapua sa tagisang itinakda ganap na alas-4 ng hapon ay magtatabla sila sa mahalagang puwesto na hihigpit pa sa paghahabol sa Final Four.

“Para sa amin, laging do-or-die ang games para sa amin. Masaya ako dahil may chance pa kami at lu­malaban pa. Kaya ang attitude is one game at a time lamang,” wika ni Victolero na may iniingatan ding tatlong dikit na panalo.

Huling koponan na pinataob ng Cardinals ay ang host University of Perpetual Help System Dalta sa dikitang 65-62 panalo.

Gaya ng katunggali ang Pirates ay nanalo naman sa huling laban kontra sa Jose Rizal University sa 71-65 iskor.

Maliban sa nanggaling sa panalo, tinalo na rin ng Pirates ang Cardinals sa unang ikutan sa 76-73 iskor pero dapat silang magtrabaho dahil ibang Mapua na ang kalaban nila ngayon.

Sina Allan Mangahas, Josan Nimes at Yousef Taha ang mga sasandalan sa panig ng Cardinals laban sa husay nina Chris Cayabyab, Floricel Guevarra at Allan Santos ng Pirates.

Unang laro sa alas-2 ng hapon ay sa pagitan na­man ng nagdedepensang San Beda at Emilio Aguiinaldo College.

ALLAN SANTOS

CHRIS CAYABYAB

EMILIO AGUIINALDO COLLEGE

FINAL FOUR

FLORICEL GUEVARRA

JOSAN NIMES

JOSE RIZAL UNIVERSITY

MAPUA

SAN BEDA

SAN JUAN CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with