Mas aktibong outreach program sa pro league itutulak ni Baylon

HONG KONG --Itutulak ni PBA Board vice-chairman JB Baylon ng Po­werade ang mas aktibong outreach program para sa pro league bilang bahagi ng kanilang ambag sa community service at nation buil­ding.

“I want the PBA to be known for its outreach programs,” sabi ni Baylon, isi­nusulong ang feeding program ng Coca-Cola sa nakaraang limang taon.

Makikipagkita si PBA commissioner Chito Salud at ang mga miyembro ng PBA board sa mga Food and Nutrition Research Institute top officials sa su­sunod na mga araw para talakayin ang programa.

Ang five-year-old fee­ding program ng Coca-Co­la ay naglalayong lutasin ang problema sa anemia.

Sinabi pa ni Baylon na inilunsad ng Coca-Cola ang programa nito laban sa anemia noong 2006 at malaki ang naitulong sa Bukidnon, South Cotabato at Leyte.

Show comments