BOTOLAN, Zambales, Philippines - Pinamunuan ni Edison “Ton-ton” Dungca ng Angeles City 4-Wheel Drive Club, Inc. ang mahigit 23 pang mga off-road racers sa katatapos na 1st Gov. Jun Ebdane 4x4 Challenge sa BarangayCarael dito.
Naglista si Dungca ng over-all time na 5:51:40 kasunod sina Boyie Doblada ng San Jose Del Monte 4-Wheelers Club s(6:20:58) at dating Pampanga 4th District congressman Rimpy Bondoc (8:37:46).
Si Dungca rin ang pinakamabilis sa final track ng championship round sa kanyang 2:06:36 kumpara sa 3:45:04 finish sa naunang dalawang elimination rounds sa Day 1 ng kompetisyon na naglagay sa kanya sa ikalawang puwesto.
Ang iba pang karerista na pumasok sa Top 10 matapos ang finals noong Linggo ay sina: Jek Sason, fourth place (9:12:20); Roger Peyra, fifth (9:32:26); Pol Herrera, sixth (10:57:08); Rey Herrera, seventh (12:20:06;) JR Bartolome, eight (18:10:47); Resty Sambilad, ninth (22:22:34); at Omer Dungca, tenth place, (33:40:37).