^

PSN Palaro

Eagles lalapit sa 14-0 sweep; twice-to-beat habol ng Falcons

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Tututok ang laro nga­yon sa Adamson na magpa­pa­tatag sa paghahabol sa ikalawang insentibo sa Final Four sa pagbabalik aksyon ng 74th UAAP men’s basketball sa Araneta Coliseum.

Kalaban ng Falcons ang talsik nang UE sa ga­nap na ala-1 ng hapon at pakay na mapag-ibayo ang kasalukuyang 8-3 karta.

Ang Falcons, FEU at UST ay pare-parehong may tsansa pa para ma­ka­mit ang ikalawa at huling twice-to-beat incentive sa Final Four at ito ang magtu­tulak sa tropa ni coach Leo Austria para magsiga­sig upang manalo uli sa Warriors.

“Mathematically, anything is possible at this point kaya kailangan naming manalo pa para makaiwas sa anumang complications,” wika ni Austria.

Ang 3-peat defen­ding champion Ateneo ay magbabalak na lumapit sa dalawang laro tungo sa pagkumpleto sa 14-0 sweep sa pagbangga sa wala na rin sa kontensyon na UP dakong alas-3 ng ha­­pon.

May 12-0 karta ngayon ang Eagles at patok si­lang manalo sa Maroons na kung magagawa ay manga­ngailangan na lamang na maipanalo ang mga laro kontra sa National University at Adamson para makaabante na ng diresto sa Finals.

Aasahan ni coach Austria sina Alex Nuyles, Janus Lozada, Eric Camson, Les­ter Alvarez at Lionel Manyara para magtrabaho at makuha ang panalo sa Warriors na gaya ng Maroons ay magnanais na lamang na magkaroon ng positibong pagtatapos sa di magandang kampanya sa taong ito.

Samantala, iinit pa ang labanan sa 74th UAAP sea­son sa pagbubukas ng taekwondo, table tennnis at swimming sa buwan ng Setyembre.

Unang gagawin ang ta­gisan sa taekwondo sa The Arena sa San Juan City sa Setyembre 13 at 17 at magtatangka ang UST sa ikatlong sunod na women’s title habang ang La Salle ang magbabaka-sa­kali sa ikalawang sunod na men’s title.

Ang table tennis ay gagawin naman sa Philsports Complex at Rizal Memorial Sports Complex sa mga petsang Setyembre 24, 25 at Oktubre 1 at 2 at host dito ang National University.

Ang pool events ay na­katala naman sa Setyem­bre 22 at 25 sa Rizal Memorial Swimming pool habang ang Cheerdance Competiton ay gaganapin naman sa Setyembre 17 sa Araneta Coliseum.

Sa Oktubre 1 at 2 naman paglabanan ang judo events sa Ninoy Aquino Stadium.

ADAMSON

ALEX NUYLES

ANG FALCONS

ARANETA COLISEUM

CHEERDANCE COMPETITON

ERIC CAMSON

FINAL FOUR

NATIONAL UNIVERSITY

SETYEMBRE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with