Gilas plano ring isabak sa Lebanon

MANILA, Philippines - Bukod sa Qatar at Jordan, plano ring kalabanin ng Smart Gilas Pilipinas ang Asian powerhouse Le­banon sa kanilang tune-up matches bago sumabak sa darating na FIBA-Asia Championship na naka­takda sa Setyembre15-25 sa Wuhan, China kung saan ang magkakampeon ang kakatawan sa Asya sa 2012 London Olympic Games.

Ito ang sinabi ni Natio­nals coach Rajko Toroman ukol sa pag-imbita nila sa mga Lebanese, ang 2010 Stankovic Cup champions at dating FIBA World Championship veterans.

Ang mga tune-up ga­mes ang siyang magbibi­gay kina Talk N' Text players Jimmy Alapag, Kelly Williams and Ranidel de Ocampo ng panahon para makuha ang sistema ni Toroman sa Smart Gilas.

Nakikipag-ensayo na si De Ocampo sa Nationals, habang kinumpirma na nina Alapag, ang 2011 PBA MVP, at Williams ang kani­lang intensyong sumama sa grupo.

Inaasahan naman ang pagbabalik ni naturalized Marcus Douthit matapos ang isang two-week US vacation.

Ang mga exhibition matches ng Nationals laban sa mga Jordanians at Qatari ay nakatakda sa Setyembre 8-11 sa Manila.

Show comments