^

PSN Palaro

Knockout win pangako ni Nietes vs Mexican pug

- Ni Angeline Tan -

MANILA, Philippines - Pagkakataong mapalaban sa harap ng kanyang mga kababayan ang hindi sasayangin ni Donnie “Ahas” Nietes.

Isang knockout win ang ipinangako ni Nietes kapag nakaharap ang Mexican WBO light flyweight champion na si Ramon Garcia Hirales sa Oktubre 8 sa La Salle Bacolod Gym.

Ikalawang laban lamang ito ng 29-an­yos na si Nietes sa nasabing dibisyon pero nag-uumapaw ang kanyang tiwala sa makukuhang panalo upang maging double world champion ng bansa matapos unang dominahin ang WBO minimumweight division.

“Unang title fight ko ito sa harap ng mga kababayan ko kaya excited talaga ako. Halos 80 rounds na ang sparring ko at hindi ko man masabi ang round ay knockout win ang kukunin ko sa kanya,” wika ni Nietes nang dumalo sa PSA Forum kahapon.

Unang depensa ito ng 28-anyos na si Hirales sa titulong inagaw kay Jesus Ge­les ng Columbia nitong Abril 30 sa pamamagitan ng fourth round KO panalo sa Mexico City.

 Pero hindi binigyan ng halaga ang masasabing impresibong panalo na ito ni Hirales at minaliit nga ang kakayahan ng nagdedepensang kampeon.

“Mas magaling pa nga ang kapatid ni­yang si Raul sa kanya. May iingatan din ako sa kanya gaya ng mga wild punches, uppercut at straight. Pero kayang-kaya ko siya,” wika pa ng dating minimumweight champion na mayroong 28 panalo sa 32 laban kasama ang 16 KO.

Si Raul ang humalili kay Nietes sa minimumweight division pero natalo agad sa unang title defense laban sa kababayang si Moises Fuentes sa pamamagitan ng split decision.

Ang title fight ay handog ng ALA Pro­mo­tions na kinatawan sa forum ni marke­ting head Chad Canares at matutuwa ang mga magsisipanood dahil undercard sa laban sina AJ Banal at ang papasibol na si Arthur Villanueva.

vuukle comment

ARTHUR VILLANUEVA

CHAD CANARES

HIRALES

JESUS GE

LA SALLE BACOLOD GYM

MEXICO CITY

MOISES FUENTES

NIETES

PERO

RAMON GARCIA HIRALES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with