Umaatikabong giyera!

MANILA, Philippines - Giyera.Ito ang nakikita ng exe­cu­tive ng Top Rank sa ikatlong pagtutuos nina Manny Pacquiao at Juan Manuel Marquez sa Nobyembre 12 sa MGM Grand Arena sa Las Vegas, Nevada.

Sa pagdalo ni Top Rank director Brad Jacobs sa unang pagkakataon sa PSA Forum sa Shakey’s UN Avenue kahapon, sina­bi nito ang paniniwalang magiging kapana-panabik ang labang magaganap dahil sa pagiging magiting na boksingero nina Pacquiao at Marquez.

“There are issues like age and results of the last two fights. But a lot of people think that this is an even fight. If you look at it and examine the records of the fighters, look at their abilities and the intangibles, I think it’s gonna be a war and certainly, we hope that Manny wins,” wika ni Jacobs na sinamahan sa Forum ni Tek Major na VP ng marketing ng Solar Sports.

Pormal na ipahahayag ang nasabing laban sa Sa­bado, Setyembre 3 sa Quirino Grandstand na kung saan libu-libong Filipino na sumusuporta kay Pacquiao ang inaasahang dadalo sa pagtitipon na si­mula ng World Press Tour

Ganap na alas-8 ng umaga bubuksan ang gate pero dakong alas-2 pa sisimulan ang pagtatang­hal.

“Para matiyak na lahat ng mga dadalo ay ma­kakapanood kung ano ang nangyayari, may mga malalaking screen na ilalagay para mapanooran lalo na sa mga taong nakaupo sa malayong lugar,” wika ni Jacobs.

Matapos ang Pilipinas ay tutungo sina Pacquiao at Marquez sa New York, Los Angeles at Mexico City para sa pulong pamba­litaan.

Dahil sa mainit na pag­tanggap ng mga tao, kumbinsido rin si Jacobs na mahihigitan ang tinamong Pay Per View sa huling laban ng boksingerong tubong Gen San kay Shane Mosley sa labang ito.

“The last Pacquiao fight generated at least 1.4 million PPV buys. I believe that we are going to exceed that in this fight. As promoter, our goal is to see the expec­tations are met. We’ll get to 1.4 and surpassed it,” dagdag pa ni Jacobs.

Show comments