MANILA, Philippines - May 72 koponan ang magtatagisan para sa 1st Handy Fix Super League National Barangay Championships na magbubukas na sa Setyembre 4.
Tig-24 koponan na hinati sa tig-apat na siyudad sa rehiyon sa bansa ang maglalaban-laban sa isang two-group single round elimination at ang mangungunang koponan bawat bracket ay magtatagisan upang madetermina kung sino ang magiging kinatawan sa nasabing siyudad sa regional finals sa Nobyembre 5 at 6.
Ang lalabas na kampeon sa apat na siyudad ay uusad naman sa National finals sa Cebu City sa Nobyembre 12 at 13.
“Our primary objectives for this event is to create an opportunity for barangay athletes to compete in a national level tournament,” wika ni Derrick Tan, GM ng Magna Prime Distribution Corp., na siyan gumagawa ng Handy Fix Adhesive Sealant.
Ang mga lugar na pagdarausan ng unang yugto ay Parañaque, Pasay, Taguig at Manila sa Luzon; Lapu-Lapu, Mandaue, Talisay at Cebu sa Visayas at Tagum, Digos, Panabo at Davao sa Mindanao.