^

PSN Palaro

Lady Stags target ang playoff

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Matapos ang Philippine Army, ang San Sebastian College naman ang magta­tangkang makasikwat ng playoff para sa isang semifinals seat.

Sasagupain ng Lady Stags ang Ateneo Lady Eagles ngayong alas-4 ng hapon sa quarterfinal round ng Shakey’s V-League Open Conference sa The Arena sa San Juan.

May 3-0 rekord ngayon ang Army sa single-round quarterfinals phase kasu­nod ang SSC (2-0), Ateneo (1-1), Philippine Navy (1-2), Philippine Air Force (0-2) at Maynilad (0-2).

Sa unang laro sa alas-2, maglalaban naman ang Water Dragons at ang Airwomen. 

Tinalo na ng Lady Stags ang Lady Eagles via four-setter sa kanilang unang pagtatagpo noong Agosto 9 sa eliminasyon.

Pangungunahan ni Ame­rican Lauren Ford, ang leading scorer ng liga, ang San Sebastian katuwang sina Thai import Jang Baulee, Joy Benito, setter Rubie de Leon at top recei­vers Mary Jane Pepito at Jill Gustilo.

Nanggaling sa isang five-set win ang Lady Stags sa Lady Sailors noong Agosto 25.

Umiskor naman ang Lady Eagles ng isang four-set victory laban sa Water Dragons noong Linggo.

Sa unang laro, magta­tapat naman sina Joy Ca­ses ng Maynilad at Aiza Maizo ng Air Force.

AGOSTO

AIR FORCE

AIZA MAIZO

ATENEO LADY EAGLES

JANG BAULEE

JILL GUSTILO

JOY BENITO

JOY CA

LADY EAGLES

LADY STAGS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with