Mapua puwede pa sa final four
MANILA, Philippines - Sinandalan ng Mapua Cardinals ang kanilang height advantage para mapalakas ang paghahabol sa Final Four sa 87th NCAA men’s basketball matapos kunin ang 65-62 panalo kontra University of Perpetual Help System Dalta kahapon sa The Arena sa San Juan City.
Magandang drive ni Josan Nimes bago ang lob pass kay 6’7” Yousef Taha ang tuluyang nagbigay ng kalamangan sa Cardinals, 63-62 may 28.7 segundo.
Bagamat mahaba pa ang oras para maipanalo ng Altas ang laro ay nabigo sila dahil dalawang offensive rebounds ang hinablot ng Cardinals sa huling 15.5 segundo.
Tampok na offensive rebound nga ay kinuha ni Mark Sarangay na sinabayan ng lapat ng foul ni Harold Arboleda para sa dalawang krusyal na free throws tungo sa tatlong puntos kalamangan may 10.7 sa orasan.
“Ang pasa ni Josan kay Tahavery well executed and then we made stops in the end,” wika ni Mapua coach Chito Victolero Mapua na may sa 5-6 karta.
May 21 puntos si Nimes at si Taha ay tumapos na may 12 puntos.
Si Jet Vidal ay may 15 puntos para sa Altas na nalaglag sa 2-10 baraha.
Gumawa naman ng 9 points sa final canto si Andrian Celada kasabay ng paglimita ng Arellano University sa Emilio Aguinaldo College patungo sa kanilang 78-70 panalo sa unang laro.
May 23 puntos si Celada para sa 4-7 marka ng Chiefs kumpara sa 3-8 ng Generals.
- Latest
- Trending