Oliva isinama sa biktima ni Solis
MANILA, Philippines - Bunga na rin ng halos apat na linggo lamang na pagsasanay, nabigo si Filipino challenger Jether Oliva na agawan ng world light flyweight crown si Mexican Ulises ‘Archie’ Solis sa kanilang laban kahapon sa Guadalajara, Mexico.
Tinalo ng 29-anyos na si Solis ang 24-anyos na si Oliva via unanimous decision mula sa kanyang nakolektang 120-108, 118-110 at 119-109 puntos sa tatlong judges.
Napanatili ni Solis ang kanyang paghawak sa International Boxing Federation (IBF) light flyweight crown matapos talunin si Oliva, nakamit ang World Boxing Organization (WBO) Oriental minimum weight title mula sa isang unanimous 12 round decision kay Fernando Ocon noong Mayo 13.
May 34-2-3 win-loss-draw ring record ngayon si Solis kasama ang 21 KOs kumpara sa 17-1-1 (11 KOs) slate ni Oliva.
Dinomina ni Solis, nauna nang inagawan ni Brian ‘The Hawaiian Punch’ Viloria, ang bagong WBO flyweight champion, ng IBF light flyweight title via 11th-round TKO noong Abril 19, 2009 sa Araneta Coliseum, ang kanilang sultada ni Oliva mula first hanggang 12th round.
Ginamit ni Solis ang kanyang malawak na eks-peryensa upang pagkaitan ng round si Oliva, No. 12 sa listahan ng IBF at WBA at No. 7 sa WBO.
Sa second round lamang nayanig ni Oliva si Solis, binigo si Luis Alberto Zarate ng Argentina sa kanilang rematch via split decision noong Abril 30, 2011 upang muling mapasakamay ang kanyang IBF light flyweight title.
Ngunit matapos ito ay wala nang nagawa si Oliva.
- Latest
- Trending