^

PSN Palaro

Lady Troopers nakaseguro ng playoff sa semis

- Ni Russell Cadayona -

MANILA, Philippines - Tuluyan nang nasilo ng Philippine Army ang playoff para sa isang semifinals ticket matapos igu­po ang Philippine Air Force, 25-14, 25-19, 25-22, sa quarterfinal round ng Shakey’s V-League Open Conference kahapon sa The Arena sa San Juan.

May 3-0 rekord nga­yon ang Lady Troopers sa quarterfinals kasunod ang San Sebastian College (2-0), Ateneo De Manila University (1-1), Phlippine Navy (1-2), Air Force (0-2) at Maynilad (0-2).

Humataw si Marietta Carolino ng 13 kills para sa kanyang 16 hits, habang may 11 at 10 naman sina Mary Jean Balse at Michelle Carolino, ayon sa pagkakasunod.

Nauna rito, mula sa isang five-ga­me losing slump, buma­ngon ang Lady Eagles para buhayin ang kanilang tsansa sa isang semifinal seat.

Tinalo ng Ateneo De Manila University ang May­nilad, 25-17, 23-25, 25-22, 25-15, sa quarterfinal round.

Nagtuwang sina Alyssa Valdez at Fille Cainglet mula sa kanilang 51-hit out­put para sa 1-1 rekord ng Lady Eagles, ang first conference champions, sa quarterfinals.

Humataw si Valdez ng 22 kills, samantalang nagtala si Cainglet ng 20 attacks.

Nalasap naman ng Wa­ter Dragons ang kanilang ikalawang sunod na kama­l­asan.

Tinalo na ng Ateneo ang Maynilad sa kanilang unang pagkikita noong Hulyo 31.

Bumangon ang Lady Eagles sa 18-22 pagkakaiwan sa third set laban sa Water Dragons matapos kunin ang huling pitong puntos.

AIR FORCE

ALYSSA VALDEZ

ATENEO DE MANILA UNIVERSITY

FILLE CAINGLET

HUMATAW

LADY EAGLES

LADY TROOPERS

MARIETTA CAROLINO

MARY JEAN BALSE

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with