Semis papasukin ng Army vs Air Force

MANILA, Philippines - Ang isang playoff para sa unang semifinals ticket ang asam ng Lady Troopers, habang mag-uunahan namang bumangon ang mga bumubulusok na Lady Eagles at Water Dragons mula sa kamalasan.

Makakatapat ng Philippine Army ang Philippine Air Force ngayong alas-4 ng hapon kasunod ang salpukan ng Ateneo De Manila University at Maynilad sa alas-2 sa quarterfinal round ng Shakey’s V-League Open Conference sa The Arena sa San Juan.

Kasalukuyang nasa isang two-game winning streak ang Lady Troopers sa quarterfinals matapos talunin ang Lady Sailors ng Philippine Navy at Lady Eagles ng Ateneo.

Nakatikim naman ang Airwomen ng isang straight-set loss sa Lady Stags ng San Sebastian College sa kanilang huling laro.

Kapwa may 2-0 rekord ang Army at San Sebastian sa quarterfinals kasunod ang Navy (1-2), Air Force (0-1), Maynilad (0-1) at Ateneo (0-1).

Ang panalo ng Lady Troopers, tinalo na ang Airwomen sa una nilang pagkikita sa elimination round, ang titiyak sa kanila ng playoff para sa isang semis spot.

Sa unang laro, mag-u­unahan namang makabawi galing sa magkatulad nilang five-game losing slump ang Lady Eagles at Water Dragons.

Sina Fille Cainglet, Alyssa Valdez at Dzi Gervacio ang muling magbibida sa Ateneo kontra kina Joy Cases, Nica Guliman, Mervic Mangui, Beverly Boto at Syvie Artates ng Maynilad.

Ang top four teams ma­­tapos ang single round quarters ang papasok sa Final Four kung saan ang No. 1 team ang lalaban sa No. 4 at ang No. 2 squad ay makakatapat ang No. 3 sa magkatulad na best-of-three series na magde­determina sa maglalaban sa finals.

Show comments